Aegis

Bulag Pipi At Bingi


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Madilim ang 'yong paligid hating-gabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan
Huwag mabahala kaibigan isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan ligtas ka sa kasalanan

Hindi nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
Marami sa aming nabubuhay nang tulad mo
'Di makita 'di marinig minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal

Pilitin mo mang umawit hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso't damdamin wala sa 'yong pumapansin
Sampung daliri kaibigan d'yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man na isinilang dakila ka sa sinuman

Hindi nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
Marami sa aming nabubuhay nang tulad mo
'Di makita 'di marinig minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal

Ano sa 'yo ang musika sa 'yo ba'y mahalaga
Matahimik mong paligid awitan ay 'di madinig
Mapalad ka oh kaibigan napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo walang daing walang gulo

Hindi nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
Marami sa aming nabubuhay nang tulad mo
'Di makita 'di marinig minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal

'Di makita 'di marinig minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal