Aiza Seguerra

Limang Dipang Tao


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Limang dipang taong nagtutulakan
Sa avenidang aking napagdaanan
Nag-aabang ng masasakyan
Patungo kung saan 'di ko malaman

Sa aking dyipning sinasakyan
Mayroong natanaw na mama
Sa dinami-rami ng nagdaraan
Ikaw pa ang nakita
Ikaw pa ang nakita
May kasamang dalaga

Para mama dito na lang bababa na ako
Para mama dito na lang heto ang bayad ko
Para na sabi para na sabi para mama para na diyan sa tabi

Limang dipang taong nagtutulakan
Ang dinaanan ko sa paghabol sa iyo
Tinatanaw ang pag-akay mo
Sa dalagang pinagseselosan ko

Sa pagmamadali nadapa ako
Sa bangketang kinatatayuan nyo
Lumapit ka at tinulungan ako
At kita'y tinitigan
Mga mata'y nagkabanggaan
Ano ba 'tong naramdaman

Sorry mama pasensiya ka na
Akala ko'y asawa kita
Sorry mama pasensiya ka na
Sorry't naabala ka pa
Sorry na sabi sorry na sabi sorry mama sorry't napagkamalan ka

Limang dipang taong naguunahan
Sa unting sasakyang nagdaraan
Sayang ang dyipning kanina'y lulan
At ngayo'y nagsisisi sa aking pagbubusisi
Malaking pagkakamali

Para mama sasakay po limang dipang taong nag-uunahan
Para mama sasakay po limang dipang taong nagtutulakan
Para na sabi para na sabi para mama para na diyan sa tabi
Para na sabi para na sabi para mama para na diyan sa tabi