Aegis

Pagsubok


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Isip mo'y litung-lito
Sa mga panahong nais mong maalimot
Bakit ba ang bumabalakid
Ang 'yong mundong ginagalawan

Ang buhay ay sadyang ganyan
Suliranin 'di mapigilan
Itanim mo lang sa iyong puso
Kaya mo 'yan

Pagkabigo't alinlangan
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
'Wag mong itigil ang laban
'Wag mong isuko at 'yong labanan (wag mong isuko)

Huwag mong isiping ikaw lamang
Ang may madilim na kapalaran
Ika'y hindi tatalikuran
Ng ating Ama na s'yang lumikha

Hindi lang ikaw ang nagdurusa
At hindi lang ikaw ang lumuluha
Pasakit mo'y may katapusan
Kaya mo 'yan

Pagkabigo't alinlangan (wag mong isuko)
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan (at 'yong labanan)
'Wag mong itigil ang laban
'Wag mong isuko at 'yong labanan (wag mong isuko)

Pagkabigo't alinlangan (wag mong isuko)
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan (at 'yong labanan)
'Wag mong itigil ang laban
'Wag mong isuko at 'yong labanan (wag mong isuko)

Pagkabigo't alinlangan (wag mong isuko)
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan (at 'yong labanan)
'Wag mong itigil ang laban oh lalala yeah
'Wag mong isuko at 'yong labanan (wag mong isuko)
'Wag mong isuko at 'yong labanan (at 'yong labanan)

Pagkabigo't alinlangan
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
'Wag mong isuko ang laban