AfterImage

Tibay


Imprimir canciónEnviar corrección de la canciónEnviar canción nuevafacebooktwitterwhatsapp

Buhay ay talagang ganyan
Kung minsan ika’y paglalaruan
At tuwina’y ‘di mo matatanaw
Ang sikat ng iyong araw

Huwag mangangamba hetong aking kamay
Tanganan mo sa oras ng lumbay
Ako’y narito nag-aabang
Sa akin ay walang hahadlang

Tibay ang kailangan mo
Tibay sa iyong puso
Tibay ang pag-asa mo

Bukas ay isa pang araw
Umaga mo’y aking natatanaw
Kaya't huwag isiping huli nang lahat
Kahit mundo pa’y tila kay bigat

Tibay ang kailangan mo
Tibay sa iyong puso
Tibay ang pag-asa mo

At kung ang langit ay mahulog sa iyo
Laging isipin na ang buhay ay ginto
Alay sa ‘yo para sa ‘yo

Tibay ang kailangan mo
Tibay sa iyong puso
Tibay ang pag-asa mo